Abante Tonite Interactive

Tatay na ang totoy na aktor

By
2,325

Nanganak na ang nabuntis na girlfriend ng isang bagets actor.

Ayon sa aming super-reliable source, nu’ng July pa nanganak ang nobya ni bagets actor.

Akala namin ay lumipad pa-abroad si girlfriend para sa ibang bansa ito magsilang, ‘yun pala ay dito lang sa bansa ito nanganak.

Hindi nagpunta si bagets actor sa ospital kung saan nag-deliver ng baby ang girlfie nito para iwas-intriga. Sa halip ay ang mommy lang ni bagets ang nagpunta ng ospital.

Baby girl ang anak ni bagets actor sa kanyang girlfriend na na-preggers niya nang wala sa oras.

Nang pumutok ang isyu ng buntisan ay nanatiling tahimik si bagets actor at ang kampo nito.

Ang nobya nitong hindi taga-showbiz ang panay ang deny. Laging sinasabi ni girl na hindi totoo ang isyu na ‘yon.

Nawala sa eksena si girl, pero iba ang binabanggit niyang dahilan kung bakit hindi siya napagkikita ng mga tao.

Ngayong tatay na si Totoy, hindi namin alam kung ano pang mangyayari sa kanyang showbiz career.

Wala rin kaming idea kung aaminin ni bagets actor na isa na siyang binatang ama.