Abante Tonite Interactive

Tatay ni Aga, pumanaw sa edad 74

By
3,669

Kung may masayang­ balitang bumungad kahapon sa social media dahil sa pagbubuntis ni Heart Evangelista, unfortunately ay may sad news din.

Pumanaw na ang ama ni Aga Muhlach na si Alvaro ‘Cheng’ Muhlach kahapon ng madaling-araw, May 12, sa gulang na 74. Siya rin ang ama nina Arlene, Albert, Aaron, Almira, AJ at Andrew na as we all know, ang ilan sa kanila ay pawang mga artista rin.

Base sa text ni Dolor Guevarra na natanggap ni Manay Ethel Ramos (Aga’s longtime mana­ger), pumanaw daw si Cheng between 3 and 5 am habang natutulog ito sa hospital kung saan ito isinugod last Friday after suffering from cardiac arrest.

Ibuburol daw ang labi ni Cheng sa Heritage Park sa Taguig City.

Si Cheng ay nakababata ring kapatid ng dating Sampaguita actress na si Amalia Fuentes.

As we write ay wala pang inire-release na statement ang pamilya regarding this pero sa Ins­tagram ay nag-post na ang kanyang anak na si Andrew.

Nag-post si Andrew ng ilang larawan nila ng ama na magkasama at sa caption ay inilagay niya, “I love you so much Papa. Wag ka mag sawa na i guide ako ha? Parati naman ako nakikinig sayo. Mamimiss kita papa.”