Abante Tonite Interactive

Tatay nireklamo ng rape nag-suicide

753

Nagbaril sa sarili ang isang 40-anyos na lalaki nang aarestuhin sana ng mga opisyal ng barangay matapos ireklamo ng panghahalay sa kanyang anak, noong Lunes ng hapon sa Nueva Ecija.

Sadyang hindi na pinangalanan ang nasawi para na rin mapangalagaan ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sa ulat ng tanggapan ni Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng

Cabanatuan City Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:40 ng hapon noong Lunes.

Sa salaysay ni Barangay Captain Joselito Eniptom nakatakda sana nilang arestuhin ang suspek dahil sa reklamo ng sariling anak ng panghahalay,

Subalit bago maisagawa ang pag-aresto ay nagbaril sa sarili ang suspek na ikinamatay nito noon din. (Jojo De Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad