Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay pinapak ang anak

0 624

Hindi nag-atubiling ipakulong ng isang ginang ang ex-convict nitong live-in partner na humalay sa 15-anyos nitong anak habang nasa impluwensya umano ng iligal na droga sa Pasay City noong Sabado.

Nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo sa kasong rape sa ilalim ng RA 7610 o Child Abuse Law ang suspek na si Jomar Grutas, 30, ng Pasay City.

Kinasuhan din siya ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa live-in partner niyang si Andrea, 33 anyos, nangyari ang pang-aabuso noong Sabado ng gabi habang nasa trabaho siya bilang kitchen helper.

Humahagulgol umano ang kanilang anak nang isumbong nito ang ginawa sa kanya ng ama habang nasa impluwensya ng droga.

Agad namang humingi ng tulong sa barangay ang ina.

Dakong alas 8:40 ng umaga, inaresto ng Pasay City Police substation 1 ang suspek sa loob ng kanilang bahay na nasamsaman din ng hinihinalang shabu.

Sinabi ni Andrea na dati ng nakulong ang kinakasama at miyembro ito ng Batang City Jail (BCJ) gang. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.