Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay sinumbong sa rape nag-suicide

0 114

Nagbigti ang isang ama sa matapos isumbong sa panggagahasa ng kanyang sariling anak sa Maconacon, Isabela kahapon.

Bago nagpakamatay ang ama (sadyang hindi na pinangalanan para maitago ang pagkakakilanlan ng biktima) ay dumulog umano sa Maconacon Police Station na pinamumunuan ni Lt. Rodolfo Martin ang 13-anyos na dalagita kasama ang kanyang ina.

Nagsumbong umano ang mag-ina dahil sa panggagahasa ng kanilang padre de pamilya sa dalagitang anak.

Batay sa ulat, ayon kay Martin, nagsimula ang pangmomolestiya ng suspek sa kanyang anak noong nasa Grade 3 at 5 pa ito. Nangyari umano ang pinakahuling insidente noong Setyembre 29, 2021.

SM food to go Banner Ad

Sa salaysay umano ng biktima, itinataon ng ama na gahasain siya kapag wala silang kasama sa bahay.

Napilitan na umanong magsumbong ang biktima dahil sa pagbabanta ng kanyang ama na may masamang mangyayari sa kanilang mag-ina kapag nagsuplong siya sa mga awtoridad.

Pagdating naman sa kanilang tahanan ay nagulat na lamang ang mag-ina nang makita ang suspek na nakabitin sa loob ng bahay gamit ang isang nylon cord.

Pinaniniwalaang nagbigti ang suspek dahil sa kahihiyan sa ginawa niya sa sariling anak. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.