Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatay sumimple ng Playboy t-shirt sa mall

0 466

Arestado ang isang tatay matapos sumimple sa pagnanakaw ng Playboy t-shirts na nagkakahalaga ng Php2,719.25 sa loob ng isang department store sa Marikina City kamakalawa.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District, nakilala ang suspect na si Tarcisio Adeser y Blauta, 52, taga-Marikina.

Inaresto ang suspek bandang alas-11:30 Sabado ng umaga sa loob ng isang mall sa nasabing siyudad.

Napansin ng security guard na si Carlo de Guzman y Pascual, 39, ang kahina-hinalang kilos ng suspek habang nasa department store kaya sinundan niya ito ng tingin.

Pumasok sa loob ng fitting room para magsukat ang damit ang suspek at lumabas na wala nang hawak kaya naghinala ang sekyu at agad sinita.

Doon na nakita ang tatlong piraso ng Playboy T-shirt, XL color gray na nakaipit sa kanyang baywang sa loob ng suot na pantalon. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.