Abante Tonite Interactive

Tatlong ex-DOF exec kulong sa Jam Liner tax scam

0 167

Anim na taong pagkakulong ang bubunuin ng tatlong dating opis­yal ng Department of Finance (DOF) na sangkot sa maanomalyang tran­saksyon sa local bus company na Jam Transit noong 1998.

Sa desisyong na ipina­labas ng Sandiganba­yan 3rd division, napatuna­yan na ang mga akusadong sina Uldarico Andutan, Jr., dating de­puty executive director; Raul de Vera, da­ting office-in-charge ng net local content/net value; at Rosanna Diala, ex-senior tax specialist ng One Stop Shop Inter-Agency Tax Credit at Duty Drawback Center ng DOF ay guilty sa kasong graft o katiwalian.

Sina Andutan, Vera at Diala ang nag-isyu umano ng tax credit certificate pabor sa JamTransit noong March 11, 1998 na nagkakahalaga ng P6.07 mil­yon sa kabila ng iregularidad sa kanilang aplikasyon.

Noong panahong iyon, ayon sa prosekus­yon, ang Jam Transit ay hindi totoong nagmamay-ari ng walong bus bukod pa sa ilang ‘red flags’ gaya ng blank spaces at unnotarized clauses na sapat para sa kanilang diskuwalipikasyon.

“The anti-graft court stated that the accused’s actions gave ‘unwarran­ted benefits and advantage’ to Jam Transit, exhi­biting manifest partiality in their performance of their official duties,” sabi pa sa desis­yon. (Yves Briones)