Abante Tonite Interactive

Tatlong hinihinalang dinapuan ng coronavirus na-quarantine sa Aklan

88

Inilagay sa quarantine sa isang ospital ang tatlong Chinese national sa hinalang may taglay ng bagong strain ng coronavirus sa Kalibo, Aklan.

Kabilang umano dito ang isang 65-anyos na pupunta sana sa Boracay pero pinigil sa quarantine section ng Kalibo Hospital matapos malaman may lagnat ito.

Habang ang dalawa pa ay kinabibilangan ng isang 3-anyos kung saan ang isa ay magdamag na na-admit dahil sa may lagnat din noong Enero 18.

Nabatid na ang bagong strain ng coronavirus ay bahagi ng grupo ng corona viruses syndrome na naging sanhi ng pagkamatay ng tinatayang 800 katao sa pagitan ng 2002 at 2003. (Juliet de Loza-Cudia)