Abante Tonite Interactive

Tatlong kulelat sa filmfest binawasan ang sinehan?

352

tonite-this-is-it-roldan-castroMatindi ang salpukan sa takilya ng Metro Manila Film Festival 2018.

How true ang nasagap naming ranking­ nu’ng first day.

Ayon sa source nangunguna ang ‘Fantastica’ ni Vice Ganda. Sinundan ito ng ‘Jack Em Popoy’ nina Coco Martin at Vic Sotto, pangatlo ang ‘Aurora’ ni Anne Curtis at pang-apat ang ‘The Girl in the Orange Dress’ nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales.

Pang-lima hanggang pang-walo ang “Otlum,” “Rainbow’s Sunset”, “Mary Marry Me” at “One Great Love.”

Bagama’t unofficial ang resultang ito, hinuhulaang mababago pa ang lakas nila sa takil­ya pagkatapos ng awards night.

Totoo rin ba ang tsika na nabawasan na ng sinehan ang tatlong pelikula na wala sa top 4?

“Yes kapatid. Pero yung iba, inilipat sa mas maliit na sinehan at yung iba, may promise naman na ibabalik sa 2nd week – by New Year hanggang Jan 7 (because technically 2 weeks naman ang MMFF,” pahayag ng aming source.

Nadagdagan naman daw ng sinehan ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin.

Anyway, tangkilikin ang pelikulang Pilipino at panoorin ang lahat ang entries para lalong ganahan ang mga producer na magprodyus ulit ng pelikula.
***

Kayla pantasya sina Daniel, Michael

Type ni Kayla Fajardo si Da­niel Padilla.

“Crush kong artista si Daniel Padilla kasi lalaking-lalaki ang dating n’ya. Matangkad, sexy saka maganda ‘yung boses niya. Nakaka-inlove,” sambit niya.

Humahanga rin daw siya sa ganda ng boses ni Michael Pa­ngilinan.

“Since high school ako crush ko na siya. Hindi pa siya sikat noon,” lahad pa ni Kayla.

Si Kayla ay 21 years old. May sukat na 33-22-34.

Nag-aaral siya sa Perpetual Help College of Manila taking up Bachelor of Science in Business Administration.

Pangarap niya na maging beauty queen at magkaroon ng sari­ling negosyo.

Abala siya bilang modelo. Sumasali rin siya sa fashion show, events modeling. Malaki raw ang naitulong nito para matustusan ang kanyang pag-aaral. Hindi na siya humihingi ng allo­wance.