Abante Tonite Interactive

Tatlong palaka at mga Buddha

287

Magandang gabi po nais lang po malaman ng mama ko kung ano pong ibig sabihin ng panaginip niya tungkol sa tatlong palaka na naging buddha at ang isa sa kanila ay nagkatawang tao.

Ang palaka sa pa­naginip ay itinutu­ring na common dreams para sa kababaihan.

Ang palaka ay su­misimbolo sa love, blessings, prosperity, rebirth at minsan ay sa spiritual and emotio­nal transformation. Ang Buddha ay sumisimbolo naman sa suporta, wisdom at kalakasan. Tulad ng palaka, ang buddha ay itinuturing ding good omen.

Sa ilang lumang paniniwala ang pa­laka ay sumisimbolo rin sa mga anak. Kung ito ang pagbabatayan ng kahulugan ng pa­naginip ng iyong ina, maaaring ikonekta ang tatlong palaka sa mga anak, malalapit na kaibigan na nagbibigay sig­la sa kanyang buhay. Habang ang isang palaka na mula sa transpormasyon sa imahe ni Buddha ay naging tao pa ay puwedeng simbolo na isa sa mga ­taong ito ang itinutu­ring ng iyong ina na magaling niyang ta­gapayo at pinagtitiwalaan nang husto.

Sa aspetong psychological, ang palaka ay indikasyon naman ng isang hindi inaasahang pagbabago tulad halimbawa ng bagong addition at miyembro ng pamilya. Kung ang palaka ay tumatalon-talon, ito ay karaniwang itinuturing na maghahatid ng saya sa dreamer.

Related Posts

Ang ganitong uri ng panaginip ay madalas sa mga taong may kakayahang tanggapin ang bawat pagbabago sa kanilang buhay alinsunod sa mga sitwasyong kanyang napapasukan.

Kung ang palaka ay simbolo ng magandang pagbabago, ang Buddha naman ay maikokonek sa talino.

Kaya sa kabuuan, puwedeng bigyang interpretasyon ang ganitong panaginip sa pagbabagong mangyayari o nangyayari sa isang tao kung saan batid ng nanaginip na meron siyang masasandalan—ang tatlong buddah na simisimbolo sa talino.

Sa isa ring lumang paniniwala, kung ituturing naman ang pa­laka bilang “totem animal” ng nanaginip, masasabing siya ay isang matatag na indibid­wal na kayang humarap sa anumang pagbabago at pagsubok ng buhay, isang magaling na tagapakinig at isang taong may kakaya­han ding magbigay ng matatalinong payo sa mga taong nakapaligid sa kanya at higit sa lahat — isang taong may malaking pagpapahalaga sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa kabuuan, maituturing na isang positibong panaginip ito. Kaya anuman ang pinagdaraanang sitwasyon ng iyong ina, nanatili ang kanyang kumpiyansa na me­ron siyang kaalalay sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.