Abante Tonite Interactive

Tattoo artist dedo sa railing ng kalsada

424

Patay ang 21-anyos­ na tattoo artist nang malaglag sa pagkakaangkas sa motorsiklo at tumama ang katawan sa railing ng kalsada sa Bacoor City habang sugatan ang driver nito sa Bacoor City, Cavite.

Hindi na naisalba sa pagamutan ang biktimang si John Jordan Jurilla, binata ng Bgry. Tabing Dagat, dahil sa matinding pinsala sa katawan habang inoobser­bahan naman si Mark Angelo Velasco, 22, ng Philacres Village, Brgy. Panapaan VI.

Sa ulat ng pulisya, galing ang mga biktima sa isang college reunion sa at pauwi na sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Velasco, pero pagsapit sa isang kurbada sa Molino Road sakop ng Brgy. San Nicolas 1 ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.

Mabilis na tumama ang motorsiklo sa railing ng kalsada at naglaglag ang dalawa na tumama pa sa railing.

Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa suba­lit idineklarang dead on arrival si Jurilla. (Gene Adsuara)