Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tattoo artist umiskor ng marijuana gamit Grab tiklo

0 57

Arestado ang 30-anyos na tattoo artist matapos magpa-deliver at tumanggap ng isang sachet ng high grade marijuana na kush sa isang pulis na nagpanggap na Grab driver, sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Kenneth Quidem, habang pinaghahanap ngayon ng ng pulisya ang kasabwat nitong si Miggy Diño na siyang nakapag-transaksyon sa Grab delivery.

Inaresto ang suspek alas-6:30 Lunes ng gabi sa Brgy. Marikina Heights. Batay sa report, nakatanggap ng kostumer ang Grab driver na si Yohann Baraquiel, 24, sa isang Grab account name Miggy Diño na sakay ng kotse at naka-park sa Dansalan Gardens, Paloverde Tower, Boni Avenue cor. Vicente St. Barangay Malamig, Mandaluyong City at base sa booking, isang package na nakasilid sa paper bag ang ihahatid nito at tatanggapin ni Quidem.

Subalit naghinala ang Grab driver sa package dahil nakitaan niya ito ng maliit na pouch na may lamang marijuana subalit hindi naman niya maisoli dahil umalis na si Diño sa lugar ng pick-up area nila kaya agad na nitong ini-report sa Mandaluyong City Police.

Umaktong Grab delivery driver si PCpl Kevin Baquilat at inihatid ang package kay Quidem sa kanilang drop off point. Narekober mula sa suspek ang isang small zip locked sachet na naglalaman ng high grade marijuana na tumitimbang ng 2.4 gramo at nagkakahalaga ng P288. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.