Abante Tonite Interactive

Tattoo ng basketbolistang mister pinabura ni misis

1,009

BLIND SIDE

Sa matinding galit ng isang misis sa kanyang asawang player pinabura nito ang tattoo na ang disenyo ay ang kanya mismong mister.

Umabot muna sa sampahan ng kaso bago tuluyang nauwi sa hiwalayan ang dating maayos na samahan ng dating aktres na magandang misis sa kanyang mister na magaling sa pagpapasa ng bola at mahusay umiwas, lumusot sa kanyang mga bantay sa playing court.

Gayunman, ‘di umubra ang kanyang galing sa pagdidribol at husay sa playing court sa paglusot sa mga bantay nang mahuli siya nang matindi ring magbantay na misis, na pinatulan ang misis ng kanyang dating kapwa player.

Unang nabuko ni misis sa mga text message ang dalawa sa pagpapalitan ng mga nakaka-excite na kataga nang tuluyang mabuksan ang folder sa cellphone ni basketbolista sa nakakaelyang usapan at padalahan ng malalaswang mga litrato.

Tuluyang sumabog ang dalawang malalaking bulkan ni misis tapos na makita ang pinagtatagpuang lugar ng kanyang ‘di pala magaling lumusot na mister kasama ang kanyang textmate na kabit.

Nang ipakita sa kanyang mister ang nadiskubre’y agad nitong pinabura ang tattoo na litrato ng player bago tuluyang iniwanan at dinemanda pa. (Lito Oredo)