Abante Tonite Interactive

Tattoo ni Kim nega sa mga netizen

0 296

tonite-imo-vinia-vivar

 

Sinagot ni Kim Chiu ang mga bashers niya sa ginawa niyang pagpapalagay ng “dot tattoo” sa kanyang wrist kasama ang mga kaibigang sina Bela Padilla at Angelica Panganiban

Nagpa-dot tattoo ang tatlong magkakaibigan on their left wrist na ang hitsura ay isang simpleng black dot lang talaga na tila nunal at proud nila itong ipinost sa kani-kanilang Instagram account.

“Miss these 2!! We may not see each other most of the time but we always have each others back!!! lav yeah both!!!! #AngBeKi rocks!!!!! stronger than ever!!!!!! (wow!!! ano daw?!!)” ang caption ni Kim sa mga series of photos na ipinost niya kung saan ay makikitang nagpapa­lagay sila ng dot tattoo.

Halos pareho rin ang larawang ipinost ni Bela at caption naman niya, “We got inked!!! (This was supposed to be the test for our fourth member, [itago natin sa pangalang @danvillegas ] who conveniently had to leave when it was his turn.”

Sa comment section ng post ni Kim ay marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadisgusto sa pagpapalagay ng tattoo ng aktres. Ang karamihan sa sinasabi nila, hindi raw bagay sa wholesome image ni Chinita Princess ang may tattoo.

“As much as possible stay conservative and sweet as you are before. Avoid those tattoos it might create negative vibes in your life. It is ok to have a friend like them. Love u kim,” komento ng isang netizen.

“Puede naman kayo friends for life without tattoo… opinion ko lang,” sey naman ng isa.

Komento namang ng isa, “but I don’t like this tatoo thing.”

Ang iba naman ay kinukuwestiyon ang pagkatao ng mga kaibigan ni Kim at kung ano-ano rin ang mga sinabi against Bela and Angelica.

Sa kanyang IG Stories sinagot ni Kim ang mga negative reaction sa kanyang pagpapa-tattoo.

Caption niya, “yes medyo pa violent reaction na sya you know who you are im sure you are watching my stories now!!”
Isa pa niyang caption, “before my dot tatoo may kilay tatoo na ako!!! Kaya chill lang. . .”

Sa short video, sey ni Kim, “for those having this violent reactions sa aking dot tattoo, don’t worry I have bigger tattoo. My kilay..” sabay-turo ng kanyang kilay. “Tattoo rin po ito,” natatawa pa niyang sabi.

Marami rin namang nagtanggol na mga fan kay Kim at anila, huwag daw gawing big deal ang pagpapa-tattoo ng aktres dahil wala naman daw masama rito.

***

Valerie nag-prenup shoot na

Nagsisimula nang mag-prepare si Valerie Concepcion at non-showbiz fiancé na si Francis Sunga para sa kanilang wedding.

Ibinalita ni Valerie sa kanyang Instagram account na nagkaroon na sila ng prenup shoot na ginanap sa Pililla, Rizal.

“Successful prenup shoot yesterday. And I have this amaziiiiiiiiing team to THANK!!!” ang bahagi ng caption ng aktres at isa-isa niyang pinasalamatan ang kanilang stylist, make-up artist at ang photography studio na kumuha.

Pinasalamatan din ni Valerie ang Casa Vendita Events Place kung saan ginanap ang photo shoot.

Wala namang binanggit si Valerie kung kailan gaganapin ang wedding pero nang huli namin siyang makausap last year, hindi pa raw niya alam ang wedding date nila pero baka raw pagkatapos na ng “Ika-5 Utos” na serye niya sa GMA-7 na that time ay pasimula pa lang.

Katatapos lang ng nasabing serye kaya naman sinimulan na rin nila ang preparations for the wedding.
Matatandaang nag-propose ang clerk boyfriend ni Valerie na naka-base sa Guam noong July, 2018.