Abante Tonite Interactive

Tattoo sa braso

415

Napanaginipan kong meron daw akong tattoo sa kaliwang braso. Sa pa­naginip ko, kinakamot ko yung upper arm ko. Doon ko nakita na meron daw akong tattoo na mukha ng isang lion. Patagilid ang mukha ng lion, paharap sa akin. Halos nasasakop niya ang bandang itaas ng braso ko. Makulay ang tattoo. Sa totoong buhay, wala akong tattoo at hindi ko rin binalak na magpa-tattoo. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Related Posts

Ang tattoo sa pa­naginip ay sumisimbolo sa iyong indibidwalismo at sa kagustuhan mong mangibabaw sa karamihan. Indikasyon ito na gusto mong ma­ging unique at kakaiba sa karanihan.
Ang tattoo ng lion ay sumisimbolo naman sa iyong pride. Ang lion ay itinutu­ring na “king of the jungle” kaya kung hahanapin mo ang koneksyon ng pa­naginip mong ito sa iyong aktuwal na buhay, masasabing ma-pride kang tao.
Ang tattoo na nakapuwesto sa kamay at braso ay maikokonek naman sa iyong perso­nal na pakikipagrelasyon at kung paano mo hawakan o kontrolin ang iyong bawat pagdedesisyon at aksyon. Kung pagbabatayan ang iyong panaginip partikular ang mukha ng lion na sabi mo ay nakapaharap sa iyo, puwedeng ikonek ito sa isang aktuwal na sitwa­syon na maaa­ring may kinalaman sa iyong pakikipagrelasyon na puwedeng pampamilya, pang-may-asawa, may ka­sintahan at iba pa.
Anuman ang sitwasyong ito ay maa­ring pinagdaanan mo na o pinagdaraanan mo pa lamang. May malaki itong epekto sa iyong kaisipan kaya naman lumabas ito sa pamamagitan ng iyong panaginip.
Pag-aralan kung anuman itong sitwasyon at alamin kung ano ang signi­ficance nito at kung bakit ito nakakagulo sa iyong isip. Kung ano ang mabuo mong interpretasyon, ito ang gawing basehan kung paano mo higit na matutulungan ang iyong sarili.
– Dream Catcher
***
DISCLAI­MER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.