Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum binuska sa bagong itsura

0 200

Bago sinuspinde ang NBA noong March dahil sa coronavirus, clean cut si Boston Celtics forward Jayson Tatum – maigsi ang buhok, parang tumubong semi-kalbo lang.

Mukhang alaga sa hindi papalya sa linggo-linggong pagbisita sa kanyang barbero.

Nag-lockdown, humaba. Nakapagpagupit na siya, pero hindi naman makilala pagkatapos.

Sa Instagram kamakalawa, ang barbero pa ang nag-post ng photo ng post-haircut ng 22-anyos na basketbolista. Mahaba na nga ang buhok, bagsak na ang kulot-kulot at may pa-bangs pa. Mahaba-haba na rin ang balbas na mukhang hindi inahit ng tatlong buwan, bagong mukhang Tatum.

Nang makita ng buong mundo ang itsura ni Tatum, pinagkalumpunan siyang alaskahin.

“No more du rags. He will now be using the hotel blow dryer,” tukso ni Dwyane Wade.

“Who’s that?” – Brian Scalabrine.

“Jayson I got a good lawyer for you.”

“Since anyone can be a barber to Jayson Tatum, I would like to throw my hat in the ring.”

Sumakay sa lokohan si Tatum.

“Yoooo they post a pic of my curls and somebody said look like my pops own a bodega,” sagot niya. “Y’all hilarious.”

Imbitado ang Celtics sa NBA restart sa Orlando sa susunod na buwan. Bago natigil ang mga laro, naga-average si Tatum ng 23.6 points, 7.1 rebounds, 2.9 assists sa 59 games si Tatum. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.