Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Brown tali sa Boston

0 253

Dalawang panalo lang ang kulang ng Boston para makarating sa NBA Finals nitong 2019-20, natalo sa Miami 4-2 sa East finals.

Asahan ang Celtics na makisali sa trades ngayong offseason para makabingwit ng big names.

Mas malamang, hindi nila bibitawan sina Jayson Tatum at Jaylen Brown, itinuturing ng marami na future ng team.

Lumulutang sa trade scenarios ang mga pangalan nina Gordon Hayward at Kemba Walker.

Mula ngayon hanggang draft night sa Nov. 18, posibleng gumalaw ang Boston para paghandaan ang kampanya sa 2020-21.

Ayon sa SB Nation, nag-uusap ang Celtics at Pacers para sa posibleng trade.

Base sa tsismis, ipapalit ng Boston si Hayward para makuha si versatile big man Myles Turner mula Indiana.

Isa pang kursunada raw ng Celtics si Jrue Holiday ng New Orleans. Ipapain naman ng Boston si Walker at ilang draft picks para mapapayag ang Pelicans.

Kanya-kanyang galaw, unahan. Patibayan ng asset. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.