Abante Tonite Interactive

Tatum bumida, Celtics umeskapo kontra Knicks

By
161

Si Jayson Tatum ang nagbigay ng late lead sa Boston, siya rin ang muntik magpatalo.

Naligtasan ng Celtics ang careless foul ni Tatum 1.9 se­conds na lang sa orasan para talunin ang New York Knicks 103-101 Sabado ng gabi.

Sa dalawang free throws ni Tatum ay lumamang ng tatlo ang Boston 7.9 seconds na lang, at ginamit ng Knicks ang huli nilang timeout.

Nahirapan sila sa inbounds sa sideline, nagkumahog sa backcourt si New York guard Trey Burke para makuha ang bola habang paubos na ang oras.

Umangat si Burke malayo pa sa labas ng arc para sa panablang 3, pero sinabayan siya at na-foul ni Tatum.

Binigyan ng tatlong free throws si Burke pero sablay sa una, at hindi nakuha ng Knicks ang rebound nang sinadya niyang isablay ang pangatlo.

Tumapos si Tatum ng 24 points at 14 rebounds.

Nanguna ang 24 points din ni Tim Hardaway Jr. sa Knicks.