Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Celtics papadehado

0 91

Umuwi ng Boston ang Celtics bitbit ang 3-2 lead sa East finals kontra Miami.

Puwede nang tapusin ng Celtics ang series sa Game 6 ngayong araw sa TD Garden, pero asahan ang resbak ng Heat para makapuwersa ng Game 7.

Hinihintay ng Golden State sa NBA Finals ang mananalo sa East.

Noong 2018, abante rin ang Boston 3-2 sa conference finals pero dinalawahang sundo ni LeBron James at ng Cleveland Cavaliers. Sa Game 6 ng series na ‘yun, iniskoran sila ni LeBron ng 46, sinundan ng 35-point sa clincher.

“I’m a lot better,” deklarasyon ni Jayson Tatum. “(Jaylen Brown) is. We’re just older.”

Gusto ni Tatum na ituloy ng Celtics ang underdog mentality. Iwan sila 3-2 sa Milwaukee sa semis pero sinikwat ang huling dalawang laro para patalsikin ang defending champion Bucks.

“We need to go back home like we’re down 3-2,” aniya. “With that sense of urgency that it’s a must-win game.”

Maga ang tuhod ni Jimmy Butler, kababalik lang ni Kyle Lowry mula hamstring injuy at out sa huling dalawang laro si NBA Sixth Man of the Year Tyler Herro sa Miami. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.