Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Celtics tinisod Clippers

0 163

Binalikat ni Jayson Tatum ang Celtics para takasan si Kawhi Leonard at ang Clippers 119-115 Biyernes ng gabi sa Staples Center sa Los Angeles.

Wala si Paul George (sore right foot) sa Los Angeles, absent din sa Boston si Jaylen Brown (left knee).

Naiwan sina Leonard at Tatum sa duelo sana ng All-Star duos.

Tumapos si Tatum ng 34 points at 7 rebounds, tinapatan ni Leonard ng 28 points, 11 rebounds at 5 assists.

Sumuporta ng 24 markers si Kemba Walker sa Celtics, 16 kay Carsen Edwards at tig-11 sina Tristan Thompson at Grant Williams.

Limang 3-pointers ang isinalpak ni Tatum, may sahog pang 2 assists at 3 steals.

Iwan pa ang Boston 62-51 sa halftime pero nakabalik nang ma-outscore ang Clippers 38-20 sa third quarter.

Umabante pa ang LA 112-111 sa 3-pointer ni Lou Williams na naglista ng 18 points pero mabilis umiskor ng anim na puntos ang Boston para bawiin ang manibela. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.