Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Celtics todo pati pato

0 77

NABIGO mang isara ng Boston Celtics ang Eastern Conference Finals laban sa Miami Heat sa Game 6 sa kanilang tahanan sa TD Garden, kumpiyansya pa rin si All-Star forward Jayson Tatum na mapagtatagumpayan nila ang winner-take-all Game 7 sa pagdayo sa muhon ng three-time NBA champion bukas.

Inaasahan ng 24-anyos na three-time All-star na ibibigay ng kanilang koponan ang lahat ng abilidad at pinakamahusay na laro sa pagdayo sa FTX Arena kasunod ng 111-103 na pagkatalo sa Game 6 kahapon.

“Scale of 1 to 10? [it’s] 10!” walang kaabog-abog at nakangiting sagot ng 2017 3rd overall pick sa katanungan sa kanya hinggil sa paniniwalang magtatagumpay sila sa Game 7.

“I mean, it shouldn’t be any less than that, right? You know, it’s the last game. That’s what it’s all about. It’s a 10 out of 10 in my confidence level and the group.”

Hindi sapat ang ikinamada ni Tatum na 30 points, 9 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block sa 9-of-12 field goal shooting, habang ang mga kabaro niyang sina Derrick White at Jaylen Brown ay umiskor ng 22 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ginugol ng Celtics ang nakalipas na dalawang araw na nais tratuhin ang bawat laro na parang laging huling laban upang maiwasang mailagay ang kanilang sarili sa posisyon na kinalalagyan ngayon.

SM food to go Banner Ad

Planong ulitin ng Boston ang ginawa nilang bagay kalaban ang dethroned na Milwaukee Bucks, kung saan delikado sila sa 3-2 hanggang sa tinapos sa homecourt sa Game 7.

Ngunit, tila nabaliktad ang sitwasyon at pinag-uusapan kung paano muling magagawa ito ngayon sa posisyon naman ng Miami.

Mayroong kartadang 6-2 sa road ang Boston, na nanaig ng dalawang beses sa Brooklyn Nets sa first round, Milwaukee sa semis at ngayon sa Miami na naipuslit ang panalo sa Games 2 at 5 sa Eastern Conference Finals sa South Beach.

Magkakaalaman bukas kung tunay ngang masasamantala nila ang pagkakataon na mapatunayang kaya nilang magwagi sa Game 7 o tuluyan silang malulubog sa paniniwalang hindi kayang paninindigan.

“We won the close-out game, obviously, [against Milwaukee], and for us we’ve won two in Miami, so that’s the positive of it. We know we can go there and win,” pahayag ni Celtics head coach Ime Udoka. “But just have to make it harder than it is, and at times it feels like we’re doing that, not taking advantage of what’s in front of us, and just overall sloppy basketball on both ends. We can’t have that on the road.” (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.