Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Celtics umeskapo

0 81

Umiskor ng 11 sa fourth quarter si Jayson Tatum bago binutata ni Robert Williams III ang tira ni George Niang sa buzzer at naligtasan ng Celtics ang Philadelphia 88-87 sa 2021-22 NBA regular season game Miyerkoles ng gabi sa Boston.

Isa lang sa unang anim na tira ang naipasok ni Tatum, pero tumapos ng 26 points at career-high 16 rebounds para itawid ang Celtics sa panalo kahit napuwersa sa lowest scoring total sa nakalipas na apat na season.

Sa pangunguna ni Al Horford, nalimitahan si 76ers star Joel Embiid sa 3 of 7 shooting lang tungo sa sa 13 points bagama’t may 18 rebounds at 6 assists.

Mula Boston, pumirma sa Philadelphia si Horford noong 2019 bago pinamigay sa Oklahoma City ng sumunod na taon. Balik na siya sa Celtics.

“I was written off. I’m just glad I got another opportunity in a place I want to be,” ani Horford, umayuda ng 10 points, 8 rebounds at 5 blocks.

Namuno ang 17 points ni Seth Curry sa Philly. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.