Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Horford nagpasiklab

0 56

Epektib ang 2-big combo ng Boston Celtics, perpekto pa sa dalawang laro sa 2021-22 NBA preseason matapos takasan ang Toronto Raptors 113-111 nitong Sabado sa TD Garden.

Sidelined ng health and safety protocols si Jaylen Brown, si Romeo Langford ang pinag-start ng Celtics sa guard at rumesponde ng 13 points sa 19 minutes, 3 for 4 mula long range.

Pinagsabay ng Boston sa frontline sina Jayson Tatum at Al Horford. Namuno sa scoring si Tatum sa 20 at pinamalas din ang playmaking abilities sa binigay na 7 assists. May 16 markers si Horford. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.