Abante Tonite Interactive

Tatum niregaluhan ang yayamaning nene

0 368

May espesyal na regalo si Jayson Tatum sa isang batang Boston Celtics fan na nakaupo sa sidelines ng laro kontra New Orleans Pelicans nitong Sabado.

Pinasaya din niya ang buong Celtics crowd nang magpasabog ng career-high 41 points na sinandalan ng team para ilampaso ang Pelicans 140-105.
Nakaupo sa sidelines si Tatum, katabi ang isang babae na may kasamang dalawang batang babae.

Pagtanggal ni Tatum ng kanyang green Nike Jordans, inabot niya ito sa batang babaeng nakaupo sa kanyang kaliwa.

Nagkataong birthday pala ng hindi pinangalanang fan na babae.
Masuwerteng bata.

Mukhang yayamanin ang pamilya ng bata dahil sa courtside sila nakapuwesto. Mahal ang ticket dun, pero nakaya nilang bumili.

Kontra Pelicans, sa pang-28 sunod na laro ay umiskor ng double figures si Tatum para pahabain ang career-high. Kinumpleto niya rin ang panlimang career game na may 30 points o higit pa. (Vladi Eduarte)