Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tatum, Oladipo gigil sa Game 5

0 60

Tabla sa 2-2 pagkatapos ng apat na laro sa East finals ang Miami Heat at Boston Celtics, didikit sa NBA Finals ang team na mananalo sa Game 5 ngayong Huwebes sa Miami.

“It’s kind of like a new series,” ani Jayson Tatum ng Celtics. “Best of three.”

Salitan lang ang magkatunggali sa serye, tambakan pa. Kinubra ng top-seeded Heat ang Games 1 at 3. Inari ng No. 2 Celtics ang Games 2 at 4.

Kumayod si Jayson Tatum sa huling laro ng 31 pts. para sa Boston, samantalang 23 markers si Victor Oladipo sa Miami.

Wala si Defensive Player of the Year Marcus Smart (sprained ankle) noong Game 4 pero kumaripas ng 18-1 lead ang Celtics at hindi na binigyan ng pagkakataong makabawi ang Heat, 102-82.

Pinagsamang 18 points lang ang kinaya sa huling laro ng Miami starters, hindi na ipinasok ni coach Erik Spoelstra sa fourth quarter sina Jimmy Butler, Bam Adebayo, Kyle Lowry, PJ Tucker at Max Strus. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.