Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tauhan ni vice mayor nalasog sa nilarong granada

0 48

Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 30-anyos na lalaki, na tau­han umano ng isang politiko, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kasamahan niya matapos sumabog ang granadang kanyang pinaglalaruan ha­bang nag-iinuman sa Brgy. Poblacion 2, Currimao, Ilocos Norte noong Linggo ng gabi.

Sa report ni Currimao Police Sta­tion (CPS) chief-of-police P/Lt. Irineo Sibicao Jr. sa Police Regional Office 1 (PRO-1), kinilala ang namatay na si Jomar Herrera, habang under observa­tion pa sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Batac ang kasamahan nitong si Rico Santos, pare­hong residente ng nasabing barangay.

Sa paunang imbestigasyon, ayon kay Sibicao, naganap ang pagsabog bandang alas-7:02 ng gabi sa may kubo kung saan nag-iinuman ang dalawa.

Bago ang pagsabog, nilabas umano ni Herrera ang isang granada mula sa kanyang bulsa at pinaglaruan. Dito aksidenteng natanggal ang safety pin ng granada, at makalipas ang ilang segundo ay bigla itong sumabog.

Napuruhan umano si Herrera kung kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng katawan niya habang si Santos ay nagtamo ng mga shrapnel sa katawan.

Napag-alaman na ang lugar na pinangyarihan ng insidente ay pag-aari ni Currimao Vice Mayor Sandra Cabre­ros at si Herrera ang caretaker doon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.