Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taulava malaking kawalan: Ravena hanap pakner na ‘big man’

0 118

Ilan sa hahanapin ng NLEX sa virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa March 14 ang pupuno sa pagreretiro nina veterans center Paul Asi Taulava at guard/forward Cyrus Baguio, ayon kay Road Warriors guard Kiefer Isaac Ravena.

Ibinahagi ni Ravena sa ‘Power & Play’ ni former league commissioner Jose Emmanuel ‘Noli’ Eala nitong Sabado na asam ng koponan ang hahali sa 47 taong-gulang na Fil-Tongan, na pormalidad na lang malamang pag-anunsyo sa kanyang retirement sa 46th PBA Philippine Cup 20201 na magbubukas sa April 9.

“Obviously ‘yung size talaga, I think that was really glaring during the (PBA) bubble, and that’s what we lack. And also with the departure of Asi, syempre another big guy na naman ang nawala so kailangan punuin ‘yung spot na yun,” lahad ng 27-year-old, six-footer combo guard.

Ganun din ang ipinunto ng basketbolista sa pag-alis ni Baguio na nagretiro nitong Enero 2020 makalipas ang 17 taong paglalaro.

Hangad rin aniya ng Road Warriors na makabawi sa darating na panibagong season dahil sa masaklap na kampanya sa 2020 Philippine Cup sa Pampanga bubble.

“We’re very disappointed with what happened inside the PBA bubble but nevertheless we have to forget about it and make it as motivation to bounce back, and even perform better this coming year,”panapos na puntos ni Ravena. (Janiel Abby Toralba) (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.