Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tautuaa, 48 iba pa paso ang kontrata

0 390

Mahaba-haba pa ang listahan ng PBA ng players na mag-e-expire na ang kontrata sa kani-kanilang mother teams sa August, October at November.

Sa 49, matatapos na ang contracts sa San Miguel Beer ang core nina Alex Cabagnot, Chris Ross, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Mo Tautuaa.

Sina veterans Marc Pingris at Rafi Reavis naman ang sa Magnolia.

Sa NLEX sina Kevin Alas, Kiefer Ravena at Asi Taulava, bagama’t nagpasabi na noon ang The Rock na magre-retire na pagkatapos ng Philippine Cup na nakansela noong March 11 dahil sa coronavirus.

Gayundin sina Robert Bolick at Christian Standhardinger ng NorthPort, Kelly Williams sa TNT, Jason Perkins sa Phoenix, Vic Manuel at Jeron Teng sa Alaska, at si Rey Nambatac sa Rain or Shine.

Suspendido indefinitely si Calvin Abueva na patapos na rin ang termino sa Fuel Masters. Sakaling matapos ng The Beast ang psychological tests na ni-require sa kanya ng PBA, sinabi ni commissioner Willie Marcial na dadaan pa rin sa evaluation ang forward bago desisyunan kung aalisin na ang kanyang suspension.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang players na mag-workout na, may limang araw mula umpisa ng practice ang teams para mag-abiso sa PBA kung sinu-sino ang ire-retain nila o bibigyan ng extension.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.