Abante Tonite Interactive

Tautuaa binalandra ang tropeo

537

Walang pagsidlan ng tuwa si Moala Tautuaa sa buwena-manong individual trophy niya sa panlimang taon sa PBA.

Sa Leo Awards na nagpasimula ng 45th season nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, ang San Miguel Beer center ang tumanggap ng Most Improved Player award.

Pagkatapos ay kumayod ng game-high 20 point, 11 rebound, 2 assist, 2 block at 1 steal para pangunahan ang Beermen sa 94-78 win laban sa Magnolia sa pambungad na sultada sa Philippine Cup.

Paglabas ng dugout ay game na game niyang inilabas mula sa gym bag ang Leo trophy.

“I finally got something, you know, I was proud of,” tuwang-tuwa niyang sabi. “I mean, I worked hard, and I just wanted to get something from last conference, making sure to award myself. To let myself know to keep going.”

Top pick ng TNT noong 2015 ang 6-foot-8 center, napunta sa GlobalPort noong 2018. Nai-trade sa SMB ang 30-anyos na Fil-Tongan noong October sa Governors Cup kapalit ni Christian Standhardinger.

Kahit back up siya kay June Mar Fajardo, itinuloy ni Tautuaa ang magandang la­rong nasimulan sa Batang Pier.

Nagbunga ang kanyang pagsisikap at determinasyon.(Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad