Abante Tonite Interactive

Tautuaa, Mamaril pipigain ni Austria

389

Sina Mo Tautuaa at Billy Mamaril lang ang lehitimong center ng San Miguel Beer, silang dalawa muna ang isasalang ni coach Leo Austria habang hindi pa nakakahanap ng dagdag na pamasak sa gitna.

Bagong mind-set din ang Beermen, gagawan ng paraan para mapunan ang team-best averages na 18.87 points at 13.0 rebounds ni June Mar Fajar­do sa nagdaang season.

“The scoring and the rebounding shifted to more than one person, but when it’s all said and done, we’re still a team and we gotta keep going,” ani Tautuaa.

Hindi kinabog ang 6-foot-8, 245-pound Fil-Tongan sa bago niyang role bilang starting center ng SMB.

“It’s just time for me to step up, just continue to play basketball and help the team as much as I can,” hirit ng 30-anyos na top pick ng TNT noong 2015.

Limang buwang inaasahang mawawala si 6-foot-10 slotman Fajardo matapos ope­rahan ang fractured right shin na nakuha sa praktis noong isang linggo.

Ngayon ay mas kailangan ng Beermen ang total team effort.

“As far as the team goes, we’re full of vets and injuries are part of the game. We all just have to step up,” giit ni guard Chris Ross.

“Whoever’s been here, the new guys, up to the coaches, we all believe.

It’s just adjusting a bit, assigning different roles, and playing a little bit different, and we’ll go from there,” aniya pa. (VE)