Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tautuaa bibira uli sa Game 5

0 63

Sa pang-apat na laro sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semifinals, nakasundo rin ni Mo Tautuaa ang basket sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Si Tautuaa ang naghulma sa pundasyon ng dambuhalang 116-90 win ng San Miguel Beer sa Game 4 nitong Linggo ng hapon para ibuhol sa tigalawang laro ang best-of-seven series.

Pitong tira lang ang Fil-Tongan sa first half pero isa lang ang isinablay tungo sa 19 points – highest-scoring 24 minutes niya sa pro league – para itulak ang Beermen sa 57-32 lead.

“I feel like I did better this time because I’ve been finishing my layups,” anang 32-year-old, 6-foot-8 center-forward. “If you guys have seen the stats lately, I’ve been struggling with the layups. It’s nice to see the ball go in finally.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Overall, tumapos si Mo ng 25 points na sinahugan ng 9 rebounds. Umaasang maduduplika ito next game.

Inekisan naman ni June Mar Fajardo ang conference-leading 12th double-double sa 13 markers at 12 boards, may 16 points pa off the bench si Terrence Romeo.

Nauwi na lang sa best-of-three ang series, unahan muli sa panalo ang Beermen at Tropang Giga sa pivotal Game 5 sa Miyerkoles.

Ang TNT ang nagwagi sa Games 1 at 3 89-88 at 115-98. Napasakamay rin ng Beer ang Game 2, 98-96 (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.