Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tautuaa, SMB ‘Di maawat

0 266

Mga laro ngayon:
(AUF Gym)
4:00 pm – Phoenix vs Alaska
6:45 pm – TNT vs NLEX

Clark Smart Giga City – Binasag ng San Miguel Beer ang two-game winning streak ng Meralco sa pamamagitan ng 89-82 panalo sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City Miyerkoles ng gabi.

Nagising sa fourth quarter ang Beermen para iangat sa 4-2 ang kartada sa PBA Philippine Cup elims. Napigil naman sa even 3-3 ang Bolts.

Pumasok sa break ang dalawa na magkabuhol sa 40-40 bago dumistansiya ang Bolts 65-52 sa third at 69-60 papasok ng fourth quarter.

Inumpisahan ng back-to-back 3s nina Arwind Santos at Mo Tautuaa ang fourth, dinagdagan pa ng layup ni Tautuaa para ilapit sa 69-68.

“We were able to do what we want to do especially at the post,” ani coach Leo Austria. “First quarter we were not playing our game plan, our players were too eager to (dispatch) Meralco right away.”

Sa first 36 minutes ay 3 for 17 lang sa labas ng arc ang San Miguel, pagdating ng fourth ay nagliyab ng 5 for 7 sa long distance.

Inumpisahan ng back-to-back 3s nina Santos at Tautuaa ang final stanza na nagsindi sa 21-4 start ng Beermen sa period at bigla ay nasa unahan na 81-73.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At the beginning of the (second half) they were hot, but coach (Leo Austria) just told us to keep fighting,” ani Tautuaa, nilista sa fourth ang 10 sa kanyang 23 points.

Nakadikit pa ang Meralco 86-82 pero naiwan sa tuktok si Chris Ross at pinakawalan ang pangalawa niyang tres para ilayo ang SMB sa anim, 19 seconds na lang.

Kumonekta si Santos ng 4 for 7 sa 3s tungo sa 17 points na may 11 rebounds pa. Nag-ambag si Alex Cabagnot ng 13 points, tig-12 sina Ross at Marcio Lassiter.

Namuno ang 17 points ni Baser Amer sa Bolts, dinagdagan ng 15 ni Reynel Hugnatan at 14 ni Chris Newsome.

Ang iskor:

SAN MIGUEL BEER 89 – Tautuaa 23, Santos 17, Cabagnot 13, Ross 12, Lassiter 12, Pessumal 4, Gamalinda 4, Zamar 2, Escoto 2, Mamaril 0.

MERALCO 82 – Amer 17, Hugnatan 15, Newsome 14, Black 7, Hodge 7, Quinto 6, Almazan 5, Maliksi 5, Jamito 4, Pinto 2, Faundo 0, Jackson 0

Quarters: 19-20, 40-40, 60-69, 89-82. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.