Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tautuaa, SMB diniskaril Dyip

0 128

STANDINGS
TEAMS W L
TNT 4 0
Barangay Ginebra 3 0
Rain or Shine 3 0
Phoenix 2 1
Blackwater 2 1
San Miguel Beer 2 2
Magnolia 1 2
Meralco 1 2
Alaska Milk 1 2
TerraFirma 0 3
NorthPort 0 3
NLEX 0 3

Mga laro ngayon:
(AUF Sports Arena & Cultural Center)
4:00 pm. – Magnolia Hotshots vs Meralco
7:00 pm. – Blackwater vs Alaska Milk

Inararo lahat ni Moala ‘Mo’ Tautuaa ang mga humarang sa kanya upang makalaklak ng 25 points, 6 rebounds, 3 assists at 1 block upang pigilan ng defending five-time champion San Miguel Beer ang Terrafirma, 105-98, sa 45th PBA 2020 Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Lunes ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ambag ng 20 markers si Arwind Santos habang si Marcio Lassiter ay may 18, si Von Pessumal ay may 17 at si Paul Zamar ay 16 para tuldukan ang kambal na pagkasenglot ng Beermen at solohin ang

Sixth spot sa 2-2 record. Nalasap ng Dyip ang ikatlong sunod na kabiguan.

“This time player’s pride nag-exist. We don’t want to go to 0-3 in the bubble,” suma ni San Miguel coach Leo Austria. “After losing to TNT we have a lot og meeting with our boss Al (SMC sports director Alfrancis Chua) and boss (SMB board governor) Robert (Non).”

Itinala ng Beermen ang 14 puntos na bentahe sa 8:07 minuto ng third quarter mula sa 69-55 mula sa tres ni Marcio Lassiter bagaman bumalikwas agad ang Dyip upang dumikit sa huling pagkakataon sa dalawa75-73 saka bumigay rin. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.