Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tax declaration lang dokumento sa biniling lupa

0 300

Dear Atty. Claire,

Good day po. Isa po akong OFW na bumili ng lupa pero TAX DECLARATION pa lang po yun at sa kapatid ko po muna ipinangalan dahil po ang sabi ng taga BIR sa batangas city na kapag tumagal ang proseso ng papel ay malaki ang babayaran kaya nagdesisyon ang kapatid ko na sa kanya muna ipangalan kahit na ang gusto ko ay ipadala sa ibang bansa ang papel. Yun na lang po ang ginawa para makatipid. Gusto ko po sana paguwi ko ilipat na sa pangalan ko at papatituluhan ko na. Pwede po ba yun? At saan po ako magsisimula ng pagpaprocess ng papel? Ano ano po ang mga kailangan dokumento?

 Salamat po,

Jamie

Ms. Jamie,

SM food to go Banner Ad

       Mas mapapamahal ka pa sa ginawa ng iyong kapatid na ipangalan sa kanya ang ari arian dahil bago iyan mailipat sa pangalan mo ay gagawa na naman kayo ng panibagong Deed of Assignment para kung saan magbabayad ka ulit ng capital gains tax sa BIR at lahat ng mga taxes sa concerned agencies.

   Pangalawa, kapag nagkataon na hindi na pumayag ang kapatid mo na ilipat sa iyo ang rehistro nito ay malaking problema ito.  Sana ay may mga ebidensiya na magpapatunay na sa iyo talaga ang ari arian at pinangalan lamang sa kanya ito upang mapabilis ang proseso.

        Ang unang una mong gagawin ay kailangang pumirma sa isang Deed of Assignment ang kapatid pabor sa iyo at saka ipanotaryo ninyo. Kailangang kumuha ng Tax Clearance sa Assessor’s Office na may sakop sa ari arian. Kapag naayos na iyan ay kakailanging nang magbayad ng karampatang buwis  sa BIR  at sa concerned agencies patungkol sa paglilipat ng ari arian.  

        Kapag nailipat na iyan sa pangalan mo ay saka mo na ayusin ang pagpapatitulo ng lupa para magkaroon na ng record sa Register of Deeds at gagawin ninyo ito sa pamamagitan ng pagsampa ng Petition sa korte.

      Kapag  may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

 Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.