Abante Tonite Interactive

Tax evasion case ni Mikey Arroyo ibinasura ng SC

By
0 109

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na nagbasura sa tax evasion case ni dating party-list Representative Juan Miguel “Mikey” ­Arroyo.

Sa 13-pahinang extended minute resolution ng SC First Division, ibinasura nito ang apela ng gobyerno na nagkaroon ng “procedural defects at substantive deficiencies.”
Nabatid na noong Marso 21 ay inabsuwelto ng CTA si Arroyo sa mga kasong tax evasion dahil sa hindi ­sapat na ebidensiya.

Sinabi ng CTA, hindi umano dinis­kubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano ang pinagmulan ng kita ni Arroyo, gayundin ang mga procedure.

“In criminal cases, the quantum of evidence required is proof beyond reasonable doubt; hence, the Prosecution’s inability to identify the likely sources of the unreported or undeclared income of the taxpayer was a sure index of its failure to discharge the quantum,” ayon sa SC.

Sa records, hindi umano binayaran ni Arroyo ang kanyang buwis mula 2004-hanggang 2009. ­