Abante Tonite Interactive

Tax fund sa flood control sasalain

252

Iginiit ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na kinakailangan pa ring dumaan ng congressional approval ang iminungkahing plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin sa infrastructure at flood control projects sa lalawigan ng Bicol na hinagupit ng bagyong Usman ang kontrobersyal na road users tax fund.

Ayon kay Lacson, tulad ng bawat panukala na dumadaan sa due process, ay dapat din aniyang aprubahan muna ito ng senado at kamara bago ito tuluyang lagdaan ng Presidente.

“When Congress scrutinizes the budget and submits the same for presidential approval,” ani Lacson.

Aniya, higit itong sumasang-ayon sa iminungkahing plano ng pangulo at mariing din aniyang sinusuportahan ang pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya na isama ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) budget upang mapadali ang pag-monitor sa mga hindi magagamit na pondo at katiwalian.