Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tax sa petrolyo kinukulit na tanggalin

0 126

Kinalampag ng isang grupo sa sektor ng agrikultura ang pamahalaan na tanggalin na ang pahirap na 12% value-added tax (VAT) at excise tax sa mga produktong petrolyo para mapigilan ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), kapag inalis ang dalawang buwis sa langis ay bababa ang presyo ng petrolyo ng P7 kada litro.

“Last year pa hinihingi natin na tanggalin `yong 12 percent VAT and `yong excise tax ng fuel. At the time ang diesel nasa P52 lang. Umaangal na `yong mga farmers natin kasi pinaparating na natin sa government na tataas ang mga produkto,” sabi ni So sa panayam ng Teleradyo.

SM food to go Banner Ad

Giit pa nito na hindi lamang mga gulay ang apektado sa pagtaas ng presyo ng petrolyo kundi tumataas din ang presyo ng isda, manok at baboy dahil gumagamit ang mga magsasaka ng feeds na sapol din ng pagtaas.

Ginawa pang halimbawa ni So ang presyo ng bangus na dating P95 aniya ang presyo kada kilo subalit ngayon nasa P140 na. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.