Abante Tonite Interactive

Tax tobacco to the max

173

Dear Abante Tonite,
Ilalabas ko lang ang saloobin ko patungkol sa ‘Tax tobacco to the max’ campaign na inilatag ng gobyerno na para ‘daw’ sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Pilipino, kung titingnan kasi natin una, maraming beses nang nagtaas ang tax sa tobacco pero hindi naman bumababa ang bilang ng mga naninigarilyo.

Lalo lang umuusbong ang iba’t ibang kompanya ng sigarilyo dahil nakikita nilang tumataas pa nga ang kita sa pangangapital dito. Pangalawa, alam naman natin na ‘yung mga pagtaas sa presyo ng bilihin nitong nakaraan at pagtaas ng taxes ay bunga ng mismanagement ng gobyerno lalo na sa pagpapatupad ng TRAIN Law na naging kasangkapan ng mga kompanya para magtaas ng singil sa mga produkto nila dahil na rin sa kagustuhan nilang ipasa sa consumers ‘yung dagdag na production costs nila, at makikita nating ang nagigipit lang sa mga ganung tipo ng polisiya ay ang mga mahihirap.

At pangatlo, isa sa pinakamahalagang punto, ayos lang sanang tumaas ang living costs sa Pilipinas—maski ang pagtaas ng sin tax kung tumataas din ang living condition ng mga mamamayan. Pero sa issue kasi ng pagtaas ng buwis sa tobacco hindi naman tumataas ang sweldo’t kita ng mga magsasaka ng tobacco sa bansa, kaya’t masasabing hindi totoong para sa kalusugan ang dahilan ng pagpataw ng mas mataas na buwis sa sigarilyo dahil kung ang gusto nila ay malusog na Pilipino dapat mas mataas at nakabubuhay na sahod na lang ang isulong.

Maraming salamat po at sana ay mabasa ninyo ang sulat ko.
Angela ng QC