Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taxi driver binoga sa harap ng pasahero

0 54

Patay ang isang driver makaraang barilin sa mismong harap ng kanyang pasahero ng riding-in-tandem na mga salarin sa Brgy. Payatas, Quezon City, Lunes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Ricarthy Danago, 47-anyos, at residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na mga suspek kung saan isa rito ay nakilalang si Erlindo Umambak, 49, at naninirahan sa Brgy. Longos, Malabon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-11:00, kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa Payatas Road, Brgy. Payatas.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg. Bienvenido Ribaya III ng CIDU, sakay ng minamanehong taxi ay binabaybay ng biktima at pasahero nitong nakilalang si Derlyn ang kahabaan ng Payatas Road nang dikitan sila ng dalawang kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa babaeng pasahero, laking gulat niya nang biglang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek na kinalaunan’y nakilalang si Umambak at pinaputukan ang taxi driver na tinamaan sa tiyan.

Nang makitang duguan nang nakabulagta si Danago ay agad tumakas ang mga suspek.

Humingi ng saklolo si Derlyn at naisugod pa sa FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation ang biktima pero binawian din ito ng buhay, ayon kay Dr. Mon Francisco.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril habang tinutugis pa ang mga salarin. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.