Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taxi driver hinoldap na, kinatay pa

0 172

Tinutugis ngayon ng mga awtoridad sa Baguio City ang isang babae at isang lalaki matapos umano nilang mangholdap sa isang taxi drayber noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Joel Toralde.

Ayon sa ulat, bukod sa pagnanakaw ng P3,000 kita ng drayber ay pinagsasaksak din ng mga suspek ang braso at kamay ng biktima.

Kuwento ni Toralde, pinara siya ng magdyowang salarin sa Lower Magsaysay Road at nagpahatid sa night market.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero nang dumating na sila sa night market ay nagpahatid aniya muli ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.

Tapos, nang mapadaan sila sa madilim na kalsada ay doon na ikinasa ng dalawa ang krimen.

Samantala, hindi lang kita ni Toralde ang tinangay ng mga suspek pati na rin ang memory card ng dash cam ng kanyang taxi.

Nag-abiso naman ang pulisya sa mga drayber na maghinala na kapag papalit-palit ng lugar na paghahatiran ang kanilang sakay. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.