Abante Tonite Interactive

Taxi driver niresbakan, dedbol

592

Patay ang isang taxi driver na dati nang nakulong dahil sa kasong murder matapos pagbabarilin sa ulo habang nagpapahangin sa harapan ng kanilang tahanan sa Baseco, Maynila kamakalawa ng gabi.

Tatlong tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Romeo Esguerra, 53-anyos, mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit ng hindi nakilalang suspek.

Ayon kay Supt. Emerey Abating, dakong alas-11:15 ng gabi nang lapitan ng suspek ang nabiglang biktima saka pinagbabaril sa ulo habang nasa labas ito ng kanilang bahay sa Block 115B, Baseco.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Nimfa Esguerra, nasa loob siya ng bahay nang makarinig ng tatlong sunod-sunod na putok kaya’t napatakbo siya papalabas at laking gulat na lang nang makitang duguan at nakahandusay na ang kanyang mister.

Isinugod ang biktima sa Justice Jose Abad Santos General Hospital pero idineklarang dead on arrival dakong alas-11:53 ng gabi.

Tinitingnan naman ng mga pulis ang anggu­long paghihiganti kung bakit pinatay ang biktima matapos malaman mula sa asawa nito na dati na itong nakulong sa kasong murder pero nakalaya dahil inurong ng pamilya ng napatay ang kaso.