Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taxi lumiyab sa QC

0 211

Nagliyab sa gilid ng kalsada ang isang taxi na nagdulot ng matinding trapiko sa Quezon City.

Kwento ng driver na si Glenn Piano, binabaybay niya ang Katipunan Avenue, Quezon City alas-8:00 ng gabi nang biglang mamatay ang kanyang stereo. Napansin nito sa gawing likuran ng sasakyan na umuusok na ito .

Bunga nito, nag-panic umano ang pasahero ni Piano kaya itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada sa tapat ng Miriam College.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nang subukan ni Piano na buksan ang hood ay ayaw umano nitong bumukas at bigla na lang nagliyab ang makina. Agad namang nakalayo ang driver at pasahero.

Agad namang dumating ang mga bumbero at naapula ang apoy.

Ayon kay fire volunteer Joel Cardinez, posibleng electrical wiring ang sanhi ng pagliyab. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.