Abante Tonite Interactive

‘Tay’

By
1,900

“Tay, magpahinga na kayo. Ano po ba ang gusto niyo? ‘Yung maiksing idlip o ‘yung mahabang tulog?”

Matagal ko na siyang kilala. Hindi pa ko ma­yor, nakasama ko na siya sa trabaho. Maga­ling siya sa paper works. Marami ang natutuwa sa kanya. Magaling makisama. Tahimik lang. Kaya lang, parati siyang may absent. Tas meron ding mahabang leave. Sabi sa akin, siya raw kasi nag-aalaga sa tatay niyang maysakit. Walong taon na ang nakakaraan mula nu’n. Nawala ako sa munisipyo. Tas bumalik ako, mayor na. Hindi ko na nasundan ang buhay niya. Hindi pala siya natinag sa opisinang ‘yun.

Kaninang mada­ling-araw, pagbukas ko ng cellphone, may text akong natanggap. Ga­ling sa kanya. Nakiusap kung puwede akong dumaan sa tatay niya dahil ike-cremate na daw nga­yong tanghali. Medyo may gastusin pa kasing kailangang bayaran.

Abante Hiring – IT dep

Humanap ako ng oras… nakakahiyang hindi ko man lang masilip… kaya alas-sais nang umaga, pumunta ako sa pune­rarya. Sa pagpasok ko, may dalawang babaeng nakaharap sa ataol. ‘Yung isa humihikbi pa. ‘Yung isa, tahimik lang. Med­yo bago sa akin ‘yung eksena. Kasi, sa karanasan ko, ‘pag ­medyo matagal nang maysakit ‘yung namatay, medyo ready na ‘yung pamilya tanggapin ang resulta at kalmado na sila. 
Hindi sa nakita ko. Paglingon nu’ng una sa akin, siya pala ‘yung isa sa mga staff ko na nag-text. Hindi ko mapigil tanu­ngin kung ‘yung na­kaburol eh ‘yun din ‘yung dahilan niya ng pag-leave of absence walong taon na ang nakakaraan. ‘Yun nga raw iyun.

 
Naisip ko lang, itong taong ito, handa talagang talikuran lahat para pagsilbihan iyung tatay niya. Kahit career niya, sinugal na rin niya. Walang bakas na ok na siya. Sa tono ng kuwento niya, parang kanina lang nangyari ang pagyao.

Tapos bigla kong nasabi, “Ang tagal pa rin bago pala siya namatay.”

Kinuwento niya ang sinapit nila. ‘Yung araw-araw nilang usap ng tatay niya. ‘Yung mga biro niya para lang maibsan iyung physical pain. Manhid ka na lang kung hindi pumatak ang luha mo. Ramdam mo ‘yung hinagpis… tapos iyung pakikipaglaban… tapos iyung pagkapit… at ‘yung sakit ng paghihiwalay. Ramdam mo iyung pagmamahal niya sa tatay niya. Ibang klase. 

Hindi ko siya pinatabi sa akin. Sabi ko sa harap ko siya para hindi siya mailang magkuwento.

Detalyado ang mga pangyayari. Bawat eksena, puno ng takot at pag-asa. Labas-pasok sa ospital. Mga tubong nilagay para maka­hinga… mga gamot na binili para mabuhay… mga dasal na binigkas para madugtungan ang buhay niya. Hanggang sa masambit niya ang katagang: “Gusto mo na bang magpahinga?” Hindi pa rin siya nagkasya du’n. “Hinimay pa rin niya ‘yung lite­ral na pahinga o ‘yung pamamayapa.”  Halata mo, ‘di siya talaga ready to let go.

Sa ganu’ng takbo ng kuwento, ‘di ko sinabi sa kanya na alam ko kung paano ito mamamaalam. Aalis ito ‘pag wala siya sa tabi niya. Kaya nu’ng tinuloy niya ang kuwento sabi niya: “Tay uwi lang ako sandali. Pagbalik ko, lalabas na tayo ng ospital,” at nu’ng wala siya, saka naman umalis ang tatay nang walang paalam.

May logic iyung en­ding. Hindi rin niya kayang makita ang anak niyang kumakapit para hindi siya mawala. Iniisip ko ‘yung tamang salita para ma-capture ko iyung feelings niya para sa tatay niya. Dalisay na pagmamahal. Sobrang puro.  

Sa oras na sinusulat ko to, na-cremate na ‘yung tatay niya. At kasama pa rin niyang umuwi ito sa kanila. Eto ang forever para sa akin.