Abante Tonite Interactive

Taylor kinabog ang Kardashian clan

371

Naungusan ni Taylor Swift ang Kardashian clan bilang highest-paid entertainer ng taon ng Forbes Celebrity 100 list. Halos 10 bil­yong piso ang pretax income ni Swift noong nakaraang taon.

Pinadapa niya sina cosmetics queen Kylie Jenner (21) half-sister, Khloe at Kourtney at ang rapper na si Kanye West, husband of Kim Kardashian.

Pero si Kanye ay muling napasama matapos itong malaglag sa listahan sa loob ng apat na taon. Sa tantiya ng Forbes, umaabot ng halos $150 million ang pre-tax earnings dahil na rin sa sikat nitong sneaker line na Yeezy.

Si Kim Kardashian ay nasa ika-26 na puwesto sa listahan.

Minsan na ring nanguna si Swift noong 2016 nang i-release nito ang kanyang best-selling 1989 tour at album.

Matatandaang ipinahayag ng Forbes nito lamang nakaraang buwan na si Jenner ang binansagang world’s youngest billionaire. Sinabi ng magasin na ang 100 highest-paid celebrities ay humatak ng $6.3 bilyon na pretax sa nakalipas na 12 buwan.

Ang Amerikanong boksinge­ro na si Floyd Mayweather Jr. at aktor na si George Clooney ang nakakuha ang top two spots sa listahan noong nakaraang taon. (Lourdes Fabian)