Abante Tonite Interactive

Taylor Swift balik-mentor sa ‘The Voice’

365

Muling magbabalik ang iconic singer na si Taylor Swift bilang mentor sa Season 17 ng “The Voice”. Maging ang beteranong mentor na si Gwen Stefani ay magbabalik din.

Matatandaan na dati na ring naging “Mega Mentor” si Taylor noong Season 7. Sa nasabing show, ite-train ni Taylor ang isa sa apat na team ng singers, kasama ng iba pang coaches na sina Gwen Stefani, Blake Shelton, John Legend at Kelly Clarkson.

Inanunsyo ni Taylor ang balita sa isang video sa Instagram na nagbe-brainstorm si Legend at Shelton.

Muling bumalik si Taylor dahil sa pag-alis ng mentor ng show na si Adam Levine. Nitong Mayo ay inanunsyo ni Levine ang pag-alis at muli umanong babalik matapos ang 16 na season. (Ronaline Avecilla)