Abante Tonite Interactive

Taylor Swift ‘di imbitado Ed Sheeran inilihim ang kasal

306

Pinakasalan ng sikat na mang-aawit na si Ed Sheeran ang sinasabing childhood sweetheart niyang si Cherry Seaborn. Walang mga sikat na artistang imbitado dahil pinili nilang tahimik ang okasyon. Ginanap ang kasal sa Suffolk England bago mag-Pasko.

Ayon pa sa mga taong malapit sa singer ay iyong mga malalapit na miyembro lamang ng pamilya at kaklase ang imbitado.

Kahit pa nga ang pinakamatalik na kaibigan sa industriya na si Taylor Swift na kasama-niya sa bawat yugto ng kanyang buhay at katuwang sa magagandang musikang nalikha niya ay hindi rin imbitado sa simpleng kasalan. 40 katao lamang ang imbitado.

Ayon pa sa bagong kasal ay plano nilang magkaroon ng isang malaking selebrasyon ngayong summer para maimbitahan ang malalapit na kaibigan at kapwa mang-aawit .

Sa pinakahuling panayam ni Ed sa isang online site ay humingi siya ng patawad sa ginawang­ paglilihim sa naganap na kasalan.

“I’m very sorry, I can’t say anything. We try and keep as anonymous as possible for obvious reasons. I do apologise, but I just don’t give interviews on anything like that. I am not going to comment because we really do want to be as private as possible. I am sorry. I know you have got a job to do – but I haven’t seen it. I am not really into all that stuff. Sorry about that,” paulit-ulit na tinuran ng mahusay na mang-aawit.