Abante Tonite Interactive

Taylor Swift tinawag na ahas ni Kim Kardashian

By
2,453

All’s well that ends sa pagitan ng dalawang mahusay na singer na sina Taylor Swift at Katy Perry, pero ang hidwaan sa pagitan nina Swift at Kim Kardashian ay muling nabuksan.

Sa Reputation tour concert ni Swift kamakailan ay nagsalita ang singer hinggil sa naging dahilan ng hidwaan nila ng reality star (Kim) at sa asawa nitong rapper nu’ng 2016 na si Kanye West. Laking gulat ng kanyang mga follower nang ngayon lang sumagot si Swift sa dalawang taon niyang pananahimik.

Bungad ni Swift: “You might be wondering why there are so many snakes everywhere, huh?” Sa kanyang pagpo-promote ng bago niyang music ay may imahe ng giant snakes sa stage. Eksplika pa ng singer na lumabas sa Washing­ton Post, a couple of years ago ay may tuma­wag daw sa kanyang ahas sa social media at nabahala siya rito. Marami raw ang tumawag sa kanya to call her attention tungko­l sa snake issue.

“I went through some really low times for a while because of it. I went through some times when I didn’t know if I was going to get to do this anymore.”

Hindi sinabi ni Swift kung sino ang pinatutungkulan, pero madaling nakuha ng mga fan kung sino ang kanyang tinutukoy. Anila, ang reality star na si Kim ang sinasabi ni Swift. Tumawag daw si Kim kay Swift nu’ng July 2016 pagkatapos mag-provide ng video evidence ang singer na inaprobahan ni West ang kanta ­niyang Famous na pinagmulan ng kontrober­siya. Nag-post si Kim ng snake emojis sa social media na sinundan ng ibang mga netizen.

Saad pa ng singer na ang mga mensaheng nababasa niya noon ay lalong nagbibigay lakas sa kanya. Aniya, kung may nangbu-bully sa social media o may gustong laktawan ang kapasidad ng mga tao hindi raw ibig sabihin nu’n ay made-defeat na niya ang kalaban. “It can strengthen you instead. I never had to learn it so harshly myself — and that lesson has to do with how much you value your reputation.”

Dugtong pa ng singer, ang lesson na nakuha niya sa pangbu-bully ay, “You shouldn’t care so much if you feel misunderstood by a lot of people who don’t know you, as long as you feel understood by the people who do know you; the people who will show up for you, the people who see you as a human being.”

Hindi nga ba’t last Valentine’s Day ay isa si Swift na pina­dalhan ng KKW Beauty (pag-aari ni Kim) na pabango. Message nga ni Kim: ‘I decided for this Valentine’s Day, everyone deserves a valentine, and I’m going to send them to my lovers­, to my haters.” ‘Yun nga lang, ang paba­ngong pinadala ni Kim kay Swift ay naging controversial.