Abante Tonite Interactive

Taylor Swift ‘wagi’ kina Scooter, Big Machine

0 209

Wagi ang singer na si Taylor Swift bilang “Artist of the Year” sa American Music Awards. Sa pagtanggap niya ng karangalang ito, hindi niya nabanggit ang isyung nangyari na sangkot sina Scooter at Big Machine.

Tila sampal pa nga kina Big Machine ang outfit niya sa kanyang unang performance. Nakasulat sa kanyang white long sleeve polo ang mga luma niyang album.

Bago ang AMA, hindi sinang-ayunan nina Big Machine na awitin ni Taylor Swift ang kanyang mga lumang album. Hindi naman nila ito napigilan dahil nagalit na rin ang mga fan ni Taylor Swift.

Kinanta ni Taylor ang mga luma niyang big hits gaya ng “Love Story,” “I Knew You Were Trouble,” at “Shake it Off.” Todo suporta naman sa kanya ang kanyang BFF na si Selena Gomez. (Ronaline Avecilla)