Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taytay bet ang AstraZeneca, Moderna

0 152

Sa paghahangad na mabuo ang kumpiyansa ng mga residente sa mass vaccination, minarapat ng lokal na pamahalaan ang pagbili ng mga bakunang may mataas na antas ng bisa.

Sa isang social media post, sinabi ni Taytay Mayor Joric Gacula na napagpasyahan nilang tangkilikin ang bakunang gawa ng AstraZeneca at Moderna, batay na din sa general consensus ng kanilang mga mamamayan.

Aniya, may agam-agam ang maraming residente ng kanilang bayan sa bakunang gawa ng Tsina lalo pa’t napag-alamang masyadong mababa ang efficacy rate ng mga ito.

Sa pagpili ng AstraZeneca at Moderna, naging pangunahing basehan ng Taytay local government unit ang mga pag-aaral ng mga siyentipiko. Lumalabas na ang AstraZeneca at nakapagtala ng mahigit 90% efficacy samantalang ang Moderna naman at mayroong 94% efficacy rate.

Paliwanag pa ni Gacula, malaking bentahe sa hangad na mass vaccination ng pamahalaan kung may kumpiyansa ang kanilang mga residente sa bakunang gagamitin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.