Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taytay pasok sa mga pinakamatatag na LGUs

0 104

SA kabila ng mga matinding pagsubok bunsod ng patuloy na banta ng pandemya, nananatiling matatag ang estado ng Bayan ng Taytay, batay na din sa talaang inilabas ng Commission on Audit.

Sa pinakahuling Annual Financial Report (AFR) for Local Government, lumalabas na ika-apat na pinakamatatag ang Taytay sa talaan ng 1,489 munisipalidad para sa taong 2019. Nakapagtala ang pamahalaang bayan ng tumataginting na P1.16 bilyong total revenue.

Bunsod nito, kinilala ng COA ang Taytay sa aspeto ng husay nito sa larangan ng paghimok at pagpapayabong ng negosyo kung saan nagmula ang malaking bahagi ng nasabing pananalapi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang pahayag, minarapat ni Taytay Mayor Joric Gacula na igawad ang pagkilala ng COA sa sigasig ng mga kawani ng local na pamahalaan at maging sa mga negosyanteng patuloy na naniniwala sa potensiyal ng Taytay, na higit na kilala ngayon bilang Garments Capital ng Bansa.

Bukod sa pagiging Garments Capital ng bansa, kilala din ang Taytay na isa sa mga pinakamainam na lugar para sa negosyo lalo pa’t hindi ito kalayuan sa National Capital Region. Bentahe din ng nasabing bayan ang umiiral na economic policy ng munisipalidad, mangagawang may angkop na klasipikasyon at kakayahan para sa iba’t ibang uri ng trabaho, mainam na imprastratura, komunikasyon at ang umiiral na peace and order.

Kasabay nito, hinikayat ng alkalde ang mga namumuhunan na patuloy na magtiwala sa kakayahan ng kanilang bayan na mapanatili ang investor-friendly business climate sa kanilang lokalidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.